CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Thursday, June 19, 2008

Sa Aking Paningin Tungkol Sa Kung Paano Gumagana Ang Panalangin

"Panalangin ko sa habang buhay
Makapiling ka Makasama ka
Yan ang panalangin ko"
--> APO Hiking Society
(unang awiting naisip ko na may koneksyon dito)

Narealize ko na! Ang pagdarasal ay isang uri ng self-talk. Sa katahimikan, maiisip mo kung paano mo gagawin ang ipinagdarasal mo. Alam mong gusto mo iyong isang bagay or pangyayaring gusto mong manyari. Tapos, sa sobrang realization na gusto mo talagang mangyari iyon at pag-uulit, sobrang determined ka nang gawin lahat para maabot mo ang isang bagay. Tapos, siyempre, sa pagsisikap, makukuha mo rin ito. Pero, then again, siyempre ang (maaaring) tawag doon, divine guidance or intervention kasi nga kahit iniisip mo ito sa sarili lang, sumasagot Siyang Nasa Itaas, si God. Sinasabi Niya kung ano ang dapat mong gawin. Nasa sa iyo lang kung makikinig ka at gagawin mo o hahayaan mong gabayan ka. Pero, siyempre, sa karamihan ng bagay, wala tayong magagawa sa mga ipinagdarasal natin kasi nga may plano si God. Mas-alam Niya kung ano ang ibibigay sa atin at kung kailan Niya ito ibibigay.

Sige ingats!

0 comments:

Great minds discuss ideas, Average minds discuss events, Small minds discuss people. - Eleanor Roosevelt