CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Monday, June 23, 2008

The Top Four Things Doth I Loathe

Ang ayaw ko sa lahat ay ang mayabang. Bakit pa kailangang ipakita o ipakaladlad? Ang akin lang, hayaan lang sanang makita kahit hindi pinapakita. Sa tingin ko, parehas lang ito ng pagiging ma-feeling! Grabe lang talaga. Iyon na iyon.

(2) Backbiter. Hindi ko maintindihan kung bakit may mga taong applicable ang adjective na ito sa kanila. Straightforward akong tao; sinasabi ko kung ano ang nasa isipan ko sa taong involved (lalo na kung close tayo at kung para sa ikabubuti mo ang sasabihin ko), most of the time. Other times, sinasarili ko kung napagdesisyonan kong hindi iyon karapat-dapat o wala ring patutunguhan. Hindi ko maisip tiisin ang taong duwag at naninira ng ibang tao lalo na kung hindi nila iyon kilalang lubusan o alam ang nangyayari.

(3) Hindi Totoo/Plastic. Iba ang mabait sa plastic. Trust me, most of the time, alam ko kung alin nakagrupo ang isang tao. Kung naramdaman ko na hindi totoo ang magandang pakikitungo ng isang tao, ako na ang lumalayo. Ayaw ko rin kasing maloko ng isang peke. Isa pa, masgusto kong makita ang totoong ikaw kahit ano ka pa kaysa sa huwad mong pagkatao dahil kapag hindi totoo ang ipapakita mo sa akin, at nahalata/nalaman ko ito, paano kita makikilala, mapagkakatiwalaan, atbp? Sa tanan ng buhay ko, ang kalooban ang tinignan ko. Alam ko kung ano ang totoo dahil iyon ang hinahanap ko at ganoon ako.

(4) 'User Friendly'/Manggagamit (Isang taong nakikipagkaibigan dahil may kailangan lang siya sa iyo pero mawawala or mag-iiba ang ugali kapag wala na siyang kailangan sa iyo). Okay lang na humingi ka ng tulong sa akin. Trust me, ibinibigay ko lahat ng tulong na makakaya ko, minsan sobra pa. Basta ang hinihingi ko lang ay ang manatili kang Friendly sa kahit na anong sitwasyon ng buhay ko at ng sa iyo rin. Ang ibig kong sabihin, in good times and bad times, sana friendly ka.

Thursday, June 19, 2008

What Do You Believe In?

"I believe Life is more than survival
I believe the heart is more than a muscle
I believe we can know right from wrong
I believe in hope and freedom
I believe MY LIFE CAN MAKE A DIFFERENCE
I believe the message of the cross.
What do you believe?"

Sa Aking Paningin Tungkol Sa Kung Paano Gumagana Ang Panalangin

"Panalangin ko sa habang buhay
Makapiling ka Makasama ka
Yan ang panalangin ko"
--> APO Hiking Society
(unang awiting naisip ko na may koneksyon dito)

Narealize ko na! Ang pagdarasal ay isang uri ng self-talk. Sa katahimikan, maiisip mo kung paano mo gagawin ang ipinagdarasal mo. Alam mong gusto mo iyong isang bagay or pangyayaring gusto mong manyari. Tapos, sa sobrang realization na gusto mo talagang mangyari iyon at pag-uulit, sobrang determined ka nang gawin lahat para maabot mo ang isang bagay. Tapos, siyempre, sa pagsisikap, makukuha mo rin ito. Pero, then again, siyempre ang (maaaring) tawag doon, divine guidance or intervention kasi nga kahit iniisip mo ito sa sarili lang, sumasagot Siyang Nasa Itaas, si God. Sinasabi Niya kung ano ang dapat mong gawin. Nasa sa iyo lang kung makikinig ka at gagawin mo o hahayaan mong gabayan ka. Pero, siyempre, sa karamihan ng bagay, wala tayong magagawa sa mga ipinagdarasal natin kasi nga may plano si God. Mas-alam Niya kung ano ang ibibigay sa atin at kung kailan Niya ito ibibigay.

Sige ingats!

Great minds discuss ideas, Average minds discuss events, Small minds discuss people. - Eleanor Roosevelt